Arrive
Definition: Another term for aura; peg or look
Etymology: English translation for dating
Usage: "Winona Ryder ang arrive mo girl, royalty levels!"
Translation: "Panalo (win) ang dating mo..."
Babayani Agbayani
Definition: Goodbye
Etymology: "Babay," Colloquial Filipino for "Bye-Bye."
Usage: "Zsa Zsa needsung ko nang gumorabels sa balur. Babayani Agbayani!"
Translation:"Siya, siya, need ko ng pumunta sa bahay. Bye!"
Barat Obama
Definition: Cheapskate
Etymology: Barat, meaning cheapskate.
Usage: "Mega Barat Obama ang lola mo teh. Fishballs lang wiz pa maka-Morgan Freeman."
Translation: "Napakabarat ng lola mo, Ate. Fishballs lang hindi pa makalibre.
Beckling
Definition: A young becky
Etymology: Becky
Usage: "Nakaka-Lucresia Kasilag ang mga becklings today! Todo kung maka-aura atbooking!"
Translation: "Nakakaloka ang mga bakla today! Todo kung maka-aura at booking!"
Blackbecky
Definition: Beckies on BBM
Etymology: Becky
Usage: "Award ang BBM contacts nitey puro blackbeckies!"
Translation: "Panalo ang mga BBM contacts nito puro bakla!"
Bruno Mars
Definition:Manly by day, feminine by night
Etymology: Bruno (a manly name), Mars (from Kumars, term of endearment for Kumare)
Usage: "Echoserang frog 'yang manliligaw mo girl. Bruno Mars ang drama!"
Translation: "Sinungaling 'yang manliligaw mo girl. Kloseta ang drama!"
Cabanatuan City
Definition: Nervous
Etymology: Kaba
Usage: "Cabanatuan City na si merlat dahil tegi siya saketch pag na-sight ko siya."
Translation: "Kabado na si girl dahil patay siya sa akin pag nakita ko siya."
Deadmadela
Definition: To ignore
Etymology: Dedma, gayspeak for "dead malice," literal translation for "patay-malisya";singer Jed Madela
Usage: "Witchikels mo pansinin ang mga Bitter Ocampo. Deadmadela ka lang, sis."
Translation: "Huwag mo panisinin ang mga bitter. Dedma ka lang, sis."
Go large
Definition: Go, yes
Usage: "Go large na kahit Chuckie Dreyfus. Wititit na choosy."
Translation: "Go na kahit pangit. Huwag na choosy."
Havey
Definition: From the term "have na have;" winner; something favorable
Usage: "Ang havey ng fezticles, parang mowdel."
Translation: "Ang ganda ng face, parang model."
Lady Gaguard
Definition: Female guard, a.k.a. lady guard
Etymology: Lady Gaga + lady guard
Usage: "Lady Gaguard, paki-julisima sinetch at hinarbat ang nyelpaks ko!"
Translation: "Lady guard, pakihuli nga nito at ninakaw ang cellphone ko!"
Laila Dee/Leila D.
Definition: Lazy sex partner
Etymology: Bedmate who just "lies there," thus, Leila.
Usage: "Laila Dee ka nang Laila Dee diyan, ano itey orloks session?!"
Translation: "Nakahiga ka na lang diyan, ano ito, sleeping session?"
Pawis Hilton
Definition: Sweaty
Etymology: Pawis + Paris Hilton
Usage: "Chaka na ang pagka-Pawis Hilton ko very Bahamas lang."
Translation: "Pangit ng pagkapawis ko, very baha lang."
Smelanie Marquez
Definition: Smelly; can also mean to smell
Etymology: Smell + Melanie Marquez
Usage: "Na-imbey mez sa Smelanie Marquez kong katabi aboard Egyptian Airlines!"
Translation: Nainis ako sa mabahong katabi ko sa jeep."
Stressie Tomas Morato
Definition: Tremendously stressed out
Etymology: Stress + Tessie Tomas + Tomas Morato
Usage: "Stressie Tomas Morato na ko kay umbaw. Portugal um-arrive!"
Translation: "Stressed out na ako sa lalaki ko. Ang tagal dumating!"
Sugpo
Definition: An extremely buff, sexy or fit person with an extremely ugly face
Etymology: Superlative of hipon, gay speak for a sexual prospect whose body is desirable but whose head can be disposed of.
Usage: "Go large na sa sugpo. Yummy naman kahit shackles ang fez."
Translation: "Hayaan mo na kahit pangit maganda naman ang katawan."
Tempura
Definition: An ugly person who dresses up well
Etymology: So to speak, a hipon that's been wrapped in batter
Usage: "Shala nga pero Mars Ravelo Presents, Tempura!"
Translation: "Sosyal nga pero mare, pangit!"
Tikim Atienza
Definition: To taste
Etymology: Tikim + Kim Atienza
Usage: "Tikim Atienza lang ha. Diet aketch."
Translation: "Tikim lang ha. Diet ako."
Unkabogable
Definition: Unbeatable; popularized by comedienne Vice Ganda
Etymology: Kabog, to beat.
Usage: "Unkabogable ang bet natin sa Miss U. Pak na pak!"
Translation" "Unbeatable ang bet natin sa Miss U. Wow na wow!"
Whatever Gotesco
Definition: Whatever
Etymology: Whatever + Ever Gotesco, the popular cinema and now mall chain
Usage: "Whatever Gotesco. Lotlot de Leon na akong tiwala sa'yo."
Translation: "Whatever. Nawala na ang tiwala ko sa 'yo."
0 comments:
Post a Comment