"AJ, my son, forever you will be in our hearts. Our final wish to you on your journey: may the road rise up to meet you, may the wind be always, always at your back, may the sun shine warm upon your face, may the rain fall soft upon your field. Until we meet again, son. May God hold you in the palm of His hand. Farewell, my son. Farewell my beloved AJ. I love you. I'll see you soon," says Gerry Perez as he bids farewell to his son AJ Perez.
FINAL TRIBUTES. Papasok pa lang sa Manila Memorial Park, makikita nang nagtatakbuhan ang nagsidatingang fans at mga mag-uusyoso sa libing ni AJ.
Agad namang ginawan ng security measures tulad ng paglalagay ng mga iron fence, pagpupuwesto ng police at ABS-CBN security men, at identification stickers at badges (na may mukha ni AJ) ang paligid na malapit sa huling hantungan ni AJ.
Nag-set up din ng mga tent para sa mga nakikiramay at media—na kinabibilangan ng TV crews ng ABS-CBN, GMA-7 at TV5, reporters mula sa print at web.
Nag-alay muna muli ng maikling dasal si Fr. Caluag.
Sinundan ito ng pagpapakilala ng representative ng Arlington Memorial Chapels at pagpapasalamat sa mga nakiramay sa pamilya ni AJ. Naghandog din ang Arlington, isang tula na may titulong God's Lent Child.
Pagkatapos ng tulang ito ay pinagsalita naman ang pinsan at best friend ni AJ na si Renzo Ross C. Sarte.
"AJ meant the world to all of us. Nothing can replace the memories that he has given us and all good times that we shared," simula ni Renzo sa kanyang tribute kay AJ.
"An amazing cousin"
ang pagkakalarawan ni Renzo kay AJ.
Lagi raw itong masayang kasama at lumaki raw siyang very close talaga sila.
Hindi raw niya malilimutan ang mga panahong nahihilig sila noon sa "cheesy love song" tulad ng "I Don't Wanna Miss A Thing" ng Aerosmith at pag-uusap nila tungkol sa girls.
Doon na niya nabanggit kung gaanong sobrang espesyal ang girlfriend ni AJ na si Steph sa buhay ng yumao niyang pinsan.
"The one girl who truly meant the world to him, Steph,"sabi ni Renzo.
"I just want you to know just how important you really were to AJ. How much of a significant part you've played in his life,"dagdag pa nito tungkol kay Steph Ayson.
"You say that he made your dreams come true, but what you don't know is you also made his dreams come true."
Ikinuwento rin ni Renzo kung gaano ka-hardworking si AJ, na kung paano raw naging artista ito ay hindi dahil sa suwerte lang.
Pinagtrabahuhan daw talaga nito ang kasikatang tinamo sa kabila rin daw ng pagiging estudyante nito.
Nakakalungkot daw na maagang nawala sa buhay nila si AJ, ngunit sa kabila nito ay marami naman daw itong na-accomplish.
Kinuwestiyon niya raw noon kung bakit maagang kinuha ng Maykapal ang isang mabait at mapagmahal na pinsan at matalik na kaibigan na tulad ni AJ.
Ngunit napagtanto niya rin kalaunan, sa pag-alala sa minsang pagkukuwentuhan nila ng Tito Gerry niya tungkol sa mga butong inililibing sa lupa at umuusbong bilang bagong buhay at bagong halaman, ganun din daw si AJ.
"People believed that the reason why people, as inspirational and as influential as AJ, are taken at such an untimely manner is because that, through them, through their passing, springs out a new beginning, a new life for the people he has inspired and he has touched.
"I just wish that we could all aspire to be just the way he was and to live our lives just the way he did," sabi pa ni Renzo tungkol sa pinsan niyang si AJ.
"I love you, man. Thanks for all the good times. Thanks for all the memories.
"We will never forget you and we will always miss you,"
pamamaalam ni Renzo sa pinsan.
Pagkatapos ni Renzo ay nag-alay naman ng maikling tula ang tiyahin ni AJ na si Chari Ortiz, na may pamagat na Love Leads Us.
Tungkol sa pagmamahal na nananatili sa mga iniwan ng isang pumanaw ang tula.
Ang nakababatang kapatid naman ni AJ na si Gello ang sumunod na nagsalita.
"If I were to describe my brother, he would be, first, hardworking, loving and an inspiration,"simula ni Gello.
Naalala niya raw kung gaanong kasipag ang kuya niya, na pagkatapos ng klase nito ay diretso agad ito sa trabaho sa showbiz. Nagpapahinga lang daw talaga ito sa loob ng kotse.
Ikinuwento niya rin kung gaanong kamahal ni AJ ang girlfriend nitong si Steph.
Binasa niya raw kasi ang text messages ni AJ kay Steph sa BlackBerry phone na ipinamana nito sa kanya. Nagtawanan ang mga tao sa sinabi niyang ito.
May isang pagkakataon din daw na nagkagalit sina Steph at AJ at ayaw raw kausapin ng dalaga ang kuya niya. Siya raw ang ginamit ni AJ para magdala ng bulaklak kay Steph.
Nagkabati naman ang dalawa at pinanood niya mula sa malayo ang pag-uusap ng dalawa.
"I was just watching them. I couldn't hear what they were saying, but I knew they were making up."
Nagtawanan muli ang mga tao dahil ang pagkakarinig ng iba ay "they were making out."
Inspirasyon daw sa kanya si AJ dahil sa pagiging mabait at generous nito. Lagi raw itong nagse-share ng blessings sa kanya. Marami raw itong naibigay sa kanya.
Sa puntong ito ay nagsimula nang gumaralgal ang boses ng binatilyo dahil sa emosyon.
"He's a role model to me, and he's everything I ever wanted to be," sabi ni Gello.
"But with everything he has given me, I always forget one thing. I always forget to say thank you to him,"
nagsimula nang umiyak si Gello nang sabihin niya ito.
"I don't even remember the last time I said 'I love you' to him..."naiyak na dito nang husto si Gello.
"Kaya, kuya, if you're listening right now, I just want to say I love you, thank you and you're everything I wanted to be."
Huli nang nagsalita ang ipinakilalang "mentor, guide, teacher and best friend" ni AJ—ang ama niyang si Gerry.
Sa umpisa'y pinilit ni Gerry na maging matatag sa harap ng mga taong nakikiramay at nakikinig sa kanyang mensahe.
"To me, I will always cherish this moment which reminds me how wonderful it is to be a dad and a parent to a very loving son.
"For so many times, words were left unspoken in love, care, and sometimes anger, and how I wish that I could turn back the hands of time.
"However, all that remains now are memories I will treasure for the rest of our lives..."
Nadurog ang boses ni Gerry sa huling sinabi niyang ito at umiyak. Napaiyak na rin ng ibang nakikinig sa kanya.
"AJ, my son, forever you will be in our hearts.
"Our final wish to you on your journey—may the road rise up to meet you, may the wind be always, always at your back, may the sun shine warm upon your face, may the rain fall soft upon your field.
"Until we meet again, son.
"May God hold you in the palm of His hand. Farewell, my son.
"Farewell my beloved AJ. I love you. I'll see you soon," huling pamamaalam na ni Gerry sa kanyang yumaong anak.
Hindi na nagsalita ang ina ni AJ na si Marivic at itinuloy na lang sa huling pagtingin sa labi ni AJ nina Gerry, Gello at Marivic.
Binuksan ang nakatakip na salamin sa kabaong ni AJ.
Pinagbawalan muna ang media na kuhanan ang huling sandaling ito na magkasama ang pamilyang Perez.
Tinapos ang interment service sa pagpapalipad ng mga paru-paro at mga lobo ng pamilya, mga kaibigan, mga kaklase, at mga katrabaho ni AJ.
- http://beafellintoarabbithole.blogspot.com/2011/04/steph-ayson-aj-taught-me-how-to-love.html
- http://beafellintoarabbithole.blogspot.com/2011/04/aj-perezlast-night-of-his-wake-to.html
- http://beafellintoarabbithole.blogspot.com/2011/04/steph-aysonaj-perez-girlfriend.html
- http://beafellintoarabbithole.blogspot.com/2011/04/steph-aysonaj-perez-girlfriend-part-2.html
- http://beafellintoarabbithole.blogspot.com/2011/04/17-reasons-to-love-aj-perez.html
- http://beafellintoarabbithole.blogspot.com/2011/04/rico-yan-remembered-in-aj-s-death.html
- http://beafellintoarabbithole.blogspot.com/2011/04/aj-perez-life-story-on-mmk-april-30.html
0 comments:
Post a Comment