Mga Types ng Kabarkada feat. Glee
RICH KID
Mayaman. Maluho. Lahat ay binigay na sa kanila ng kanilang mga magulang. Lapitin ito lalo na ng mga ‘user’ friends. Dalawang klase ang mga rich kids. Yung tipong pinagyayabang ang yaman sa barkada at yung humble lang pero swabe ang pa-ambon ng kanilang yaman sa barkada. Ang madalas mong maririnig kung ika’y isang rich kid? “Palibre naman”.
MUSE/ESCORT
Sa bawat barkada meron isang taong saksakan ng gwapo o ganda. The Face of the Group. Gwapo/Maganda. Malakas ang dating. Madalas napagkakamalang ‘head’ ng barkada.
THE ‘PROBLEM’ KID
Sila yung mga loko-loko. Mga B.I. kumbaga. Pero masarap at masaya silang kasama. Asahan mong mapapasubo ka sa kalokohan kung kasama mo sila. Sila yung mga ‘adventurous’, ayaw magpatali sa mga patakaran dito sa mundo.
THE ‘PROBLEMATIC’ KID
Sila yung parating may issue sa isang bagay. Parating umiiyak. Parating may problema. Sa buhay pagibig man, pamilya o sa ibang bagay. Pero, wala namang choice ang barkada kundi damayan sila.
JOKERS
Ang mga Jokers ang pinakamahirap hanapin na type ng kabarkada. Dahil ang pagiging joker ay hindi natututunan, innate ito. Kung pinanganak kang ‘Joker’, pinanganak kang bebenta sa tao. Kahit konting hirit mo lang, utas na ang barkada kakatawa. Ang matatawag mong isang masayang barkada ay kinakailangan ng at least isang joker.
ANG ‘TANGA’
Sila yung parating ‘asar-talo’ sa barkada. Parating barado, parating tablado. Sila yung mga korni humirit. Sila yung mga failed ‘jokers’. Pero masisigurado mong mahal sila ng barkada at walang ibang pwedeng tumawag sa kanila ng “Tanga!” kundi ang barkada lamang.
PAPARAZZI
Alam nila lahat ng bango at baho ng bawat isa sa barkada. Alam lahat ng issue, sikreto. Sila yung ubod ng daldal. Pero napapasarap ang usapan kapag kasama sila. Sila yung parating may hawak ng camera kapag may lakad ang barkada, in-charge sa picture-picture. They know everything about everyone.
THE ‘COUPLE’
Hindi lahat ng barkada meron nito. Sila yung Nanay at Tatay ng Grupo. Minsan may mga sariling mundo. Madalas maasar ng barkada ng “Maghihiwalay din kayo!”. Ngunit kung magkaalitan o maghiwalay man sila? Humanda ka na. Apektado ang buong grupo.
0 comments:
Post a Comment