according to http://www.thefreedictionary.com
the word ex·pired/ex·pir·ing/ex·pires means:
1. To come to an end; terminate:
2. To breathe one's last breath; die
3. To exhale; breathe out.
hindi ko alam na ang salitang EXPIRED pala ay pwede din gamitin kapalit ng salitang "NAMATAY NA" sa ospital.
very funny nga eh. science course ako. lumaki ako sa hospital at magulang ko ay parehong nasa field ng medicine pero hindi ko man lang yun alam. oo nga naman hindi ba pag nawalan tayo ng UNLI. sasabihin natin
"EXPIRED NAKO". ibig sabihin ba nito "NAMATAY NAKO" hahaha. joke lng :))
pero seryoso, ah ganon pla yun. kapag sa ospital nga naman ang pangit sabihin na "SI JUAN, YUNG SA ROOM 705. NAMATAY NA" mas maganda nga naman sabihin:
"SI JUAN, YUNG SA ROOM 705. EXPIRED NA"
or
"YUNG NA SA ROOM 705 EXPIRED NA"
nga naman!!, mas maganda pakinggan. hindi nakakagulat or nakakatakot. iisipin mo nlng na para siyang cellphone.
wala ng load. :)
nakakatuwa naman, dahil sa isang bata na naexpired knina sa aking pinagdudutihan. lalo ako na-inspired sa buhay. nitong mga nakaraang buwan para nakong maeexpired. sa dami ng ginagawa. napaka-toxic ng buhay ko ngayon.
OJT dito. THESIS doon,
EXAM rito, DEFENSE roon.
nakakaahina ng loob. gigive-up na ko. pero knina ng makita at marinig ko na sinabi ng isang kuya sa pinagwowork ko.
na expired yun nsa isang room sa 3rd floor at 4 y/o lang siya. nanghina ako. nahiya ako bigla.
yun 4 y/o na yun marami pa sana siya pwedeng gawin sa buhay pero naexpired na agad. ako na 21 years ng unli. gustong sumuko sa buhay dahil sa simpleng ka-toxican sa buhay. ba yan!!
naisip ko knina. na napaka swerte ko kasi 21 years nako unli. hindi pako nache-check op. lalo na maexpired.
dapat sinusulit ko bawat unli ko. at dapat positive lagi.
ganito lang yan eh:
tayo yun load sa cellphone. si god yung network.
siya ang nagsasabi kung kelan tayo mag eexpired or ma-uunli.
dumarating sa point na nahihirapan tayo magtext or tumawag dahil busy ang lines or walang signal.. pero hindi ba konting tawag sa network. nakakasend at tawag uli tau...
minsan pa nga wala pang 24 hours unli na tayo. hindi na tayo nagiintay ng matagal. ambilis diba.
ngunit hindi lagi unli ka.
kadalasan nga diba masaya kang unli. dami mo katext
darating at darating padin yung time na mageexpired tayo. magtetext nlng si 8888. pero
minsan din bigla ka nlang maeexpired ng walang pasabi.
kaya habang unli. sulitin ang bawat text o tawag..
napaka saya mabuhay.. :)
napaka saya maging unli.
yan ang natutunana ko..
dahil sa batang yun. :)
LIFE IS NOT FAIR, BUT IT IS STILL GOOD AND BEAUTIFUL.
0 comments:
Post a Comment